isang taon na pala mul ang umalis ako ng pinas
nde ko na maalala kung nahalikan ko ba o nayakap ko man lang ba c aya nung umalis ako
nagmamadali kasi noon
umaga kami gumising para mag ayos ng mga gamit
mahirap ang mahuli sa takdang oras
kelangan 2 oras bago ang flight naka check-in ka na.
Isang taon na mula noon,
Ilang bwan pagkatapos noon, sobrang miss ko c Aya
tinanong ko sya kung namimiss nya rin ba ko
at kung gusto nya na kong umuwi
"Hindi, ang gusto ko lang yung padala mo."
Biglang huminto ang mundo ko noon ng narinig ko yun sa telepono.
Heto ako nde makatulog sa gabi
umiiyak
Ayaw ko kasi sana na magkalayo kami
Naawa ako sa kanya
Wala na nga syang tatay
pati ako na nanay nya mawawala pa ba sa tabi nya?
pero ang anak kong mag wawalong taon pa lang noon
nagsalita ng ganoon.
Sabi ng ibang pinagsabihan ko
"MATALINONG BATA!"
sabi ko naman
siguro dapat na kong magisip
mag- isip para sa sarili ko.(though ang akala ng lahat ng asa paligid ko e sarili ko nga lang ang iniisip ko. Opo iniisip ko rin ang kapakanan ng anak ko.)
have a life ika nga.
Pero after few months,
eto na ang bata biglang umiyak sa gitna ng gabi
naalala nya daw ako.
naisip nya na rin daw ang kawalan ko sa tabi nya.
Ngayon,
Kuntento na lang muna kami sa paguusap sa Yahoo
Alam ko isang araw
magkakasama rin kami
at hindi na muling magkakahiwalay.
Miss You Nak!!!!
Mama LOVES YOU!!


Comments